Tagalog

Ang Viral Na Pamukaw: Ang Liham para sa Sangkatauhan

Mga minamahal na kapatid sa sangkatauhan,

Ang liham na ito ay nagmula sa mga Muslim na iskolar, tagapagturo, mangangaral, at nag-iisip mula sa buong mundo. Kami ay nananalangin na kayo ay nasa mabuting kalusugan at ligtas mula sa banta ng coronavirus (na tinaguriang COVID-19). Hangad namin ang inyong kaligtasan, kasiyahan at kabutihan, ito ang dahilan kung bakit namin sinulat ang liham na ito.

Tayo ay nasa gitna ng isang pandaigdigang pandemya. Ang Coronavirus ay kasalukuyang nasa halos lahat ng mga bansa sa buong mundo. Ang mga tao ay mas malamang na mamatay sa sandaling sila ay mahawaan ng sakit na ito kaysa sila ay mahawaan ng trangkaso. Ang takot at pagkabalisa ay nanaig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga bansa ay kasalukuyang nakasara gayon din ang mga paaralan at ang uri ng pamumuhay ng lipunan ay nabuwag. Marami ang hindi maiiwan ang mawala sa mga mahal sa buhay at maraming mamamatay bago sila makapagpaalam.

Karamihan sa atin ay nagpapakita ng pakikiramay at pakiki-isa sa kabila ng ating pagkaka-iba-iba. Ito ang dahilan kung bakit kami naniniwala na sa kabila ng kalagayang ito ang coronavirus ay isang paraan upang ang mga kaisipan at espitrituwal ay mapukaw at magising. Ang mga sumusunod ay ilang mahalagang punto na dapat nating isaalang-alang.

Tayo ay Umaasa sa Diyos

“O sangkatauhan! Kayo ang nangangailanga (ng tulong) ng Diyos; datapwa’t ang Allah ay hindi nangangailangan (ng tulong) ninuman, ang karapat-dapat sa lahat ng mga papuri.”

Qur’an, Kabanata 35, Talata 15

Ang coronavirus ay naging kasangkapan upang ating mapagtanto na ang ating mga sarili ay hindi sapat. Tayo ay may hangganan at pangagailangan. Ang ating pananatili at kakayahan na gumanap ay umaasa sa halos walang katapusan na bilang ng mga bagay na hindi natin kayang kontrolin dahil wala tayong kapangyarihan sa mga ito. Ang lahat ng mga bagay na ito ay ganap na umaasa lamang sa Diyos. Yaman lamang na tayo ay nilikha ng Diyos at kasama ang mga bagay na nabanggit sa itaas, ang ating pananatili ay umaasa lamang sa Kanya. Tayo ay hindi sapat sa ating mga sarili, at may mga iilan sa atin na nalilinlang mag-isip na tayo ay (sapat).

“Hindi (karapat-dapat ang ginawang pagsuway ng tao). Katotohanan, ang tao ay nagmamalabis ([Nagpalalo] sa kanyang kawalan ng pananalig at kasamaan),”

Qur’an, Kabanata 96, Talata 6

“Sapagkat itinuring nya ang kanyang sarili na may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anumang tulong.”

Qur’an, Kabanata 96, Talata 7

Ang buong mundo ay naging baliktad sa isang hibla lamang ng RNA. Itong maliit na virus na hindi nakikita ng ating mga mata ay nakaapekto sa halos lahat ng mga bansa sa buong mundo. Sa kasalukuyan, ito ay wala pang gamot. Ang mga ekonomiya ay nasa bingit ng pagbagsak at ang mga sistema ng pagkalusugan ay nabigla. Ang mga tao ay puno ng takot at pagkabalisa. Ang populasyon ay hinimok na manatili na sa kanilang mga tahanan. Walang katumbas na halaga ang pera at kapangyarihan ang maaring magbaliktad sa kung anong mga nangyari. Ito ay dapat makapagbigay ng mahalagang aral lalo na sa mga mayayabang, na tayo ay dapat maging mapagkumbaba. Ang isang hadlang na nakakaharang sa banal na gabay at habag ng Diyos ay ang maling pag-aakala sa kasapatan ng sarili dulot ng pagmamalaki at pagmamataas.

“Katotohanang Kami ay nagpadala (ng mga Sugo) sa maraming pamayanan (bansa) ng una pa sa iyo (O mohammad). (Ngunit sila ay sumuway sa mga Sugo). At sila ay Aming sinakmal ng matinding kahirapan (o pagkawala ng kanilang kayamanan) at paglala ng kanilang kalusugan na kasama ang mga kapinsalaan upang sila ay magsisampalataya (manikluhod ng may kapakumbabaan.

Qur’an, Kabanata 6, Talata 42

Ang COVID-19 at ang Palatandaan ng Diyos

Marami sa atin ang hindi direktang na-obserbahan ang isang virus kahit ito ay nakikita ng electron microscope. Ang karamihan sa atin ay umaasa na lamang sa mga aklat at mga larawan at kung ano man ang sinasabi ng mga dalubhasa sa atin. Sa kabila nito ating na-obserbahan at naramdaman ang epekto ng virus at ito ay sapat na sa bawat isa na mapagtanto na ang virus na ito ay totoo. Tayo din ay nagsasagawa ng mga pag-iingat upang maging ligtas ang ating mga sarili at ang iba mula sa pagkakahawa ng sakit na hindi nakikita. Kung ito ay iuugnay sa Diyos, hindi lamang tayo may likas na kaalaman na mayroong Diyos bagkus atin ding naramdaman ang epekto ng Kanyang pagiging totoo.

Tayo ay nakatira sa kamangha-manghang daigdig na ito. Tayo ay umaasa, nagmamahal, humingi ng hustisya at naniniwala sa halaga ng buhay ng tao. Tayo ay nangangatuwiran at nagtutuklas. Tayo ay nakatira sa napakalawak na sansinukob na may bilyun-bilyong planeta at mga bituin sa kalawakan. Ang sansinukob ay may mga batas at mga pangunahing pisikal na nanatatiling pareho, at kung sakaling may kaunting pagkakaiba maiiwasan nito ang paglitaw ng kamalayan sa aspeto ng buhay. Tayo ay naninirahan sa planetang mayroong anim na libong (6,000) ibat-ibang wika at walong milyong (8M) uri ng mga nilikha. Ating naramdaman sa  kaibuturan ng ating mga puso ang pagkakamali at kasalanan gayon din ang tama at kabutihan.

Ang lahat ng ito ay palatandaan na mayroong Diyos at Siya ay Dakila.

“(Pagmalasin)! Katotohanan, sa pagkakalikha sa mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at araw, at ang mga barko na naglalayag sa karagatan na rito ay kapakinabanagan sa tao (Sangkatauhan), at ang ulan na pinamalibisbis ng Allah mula sa kalangitan  (alapaap) at nakapangyayaring ang kalupaan ay mabuhay mula sa pagiging patay (tigang), at ang lahat ng uri (ng mga may buhay at gumagalaw) na nilikha, na rito ay Kanyang ikinalat, at ang pag-ihip (o pagbabago ng direksyon ng) hangin at mga ulap na nakalutang sa pagitan ng lupa at langit, ay katiyakang Ayat (mga tanda, katibayan, katunayan, atbp.) sa mga tao na may pang-unawa na gumagamit ng kanilang katalinuhan.

Qur’an, Kabanata 2, Talata 164

Ang buhay,kamatayan at Layunin

Ang coronavirus ang siyang may pananagutan sa maraming namamatay. Ating nakita ang pandaigdigang nakaka-alarmang pagtaas ng bilang ng mga namamatay araw-araw na siyang pumukaw ng takot at pagkabalisa. Ngunit ito ay nagbigay daan at opurtunidad upang tayo ay mag muni-muni sa natural na ating pamumuhay at magnilay-nilay sa buhay at kamatayan.

“Ang bawat kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan. At sa Araw ng Muling Pagkabuhay lamang kayo ay babayaran ng ganap. At ang sinumang inilayo sa Apoy at tinangap sa Paraiso, katotohanang siya matagumpay. Ang buhay sa mundong ito ay isa lamang pagsasaya ng kalinlangan (isang bagay na mandaraya).”

Qur’an, Kabanata 3, Talata 185

Ang pagtanggi sa katotohanan na ang ating buhay ay may layunin ay isang kasinungalingan at taliwas sa maayos na pag-iisip. Tayo bilang mga nilalang ay kumikilos at gumagawa ng lahat ng bagay batay sa ating mga layunin mula pagsisipilyo ng ngipin hanggang sa pagbili ng sasakyan ngunit may mga iilan pa rin sa atin ang hindi nananiniwala sa layunin ng ating buhay. Kung wala ang layunin na ito, tayo ay walang sapat na dahilan upang manatili sa mundong ito at ang buhay na ito ay walang kabuluhan. Ang pagtanggi sa layunin bilang batayan ng ating pamumuhay sa mundong ito sa kabila ng pag-tangi nito sa mga gawa-gawang layunin sa ating buhay ay nangngahulugan ng pag linlang sa sarili at wala itong kaibahan sa nagsasabing “Tayo ay mag kunwaring may layunin”.

“Aming Panginoon! Hindi Ninyo nilikha ang (lahat) ng ito ng walang layunin.”

Qur’an, Kabanata 3, Talata 191

Ano ang ating layunin?

Ang coronavirus ay naging dahilan upang tayo ay mag-isip kung ano ang mga gusto nating manatili, mga bagay na ating kailangan, minamahal at iginagalang. Karamihan sa mga bagay na ito ay ating sinasamba, maging ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos ay nagpapakita ng simbulo ng pagsamba, paggalang at pagmamahal sa mga bagay na ito. Ang mga bagay na ating mas pinahahalagahan, minamahal at ginagalang kasama na dito ang alinmang ating pinaniniwalaang nagmamay-ari ng sapat na kapangyarihan na kung saan doon tayo pawang umaasa ay siyang pangunahing bagay na ating sinasamba kabilang na dito ang ideolohiya, isang namumuno, isang pamilya o miyembro nito. Ang pagsamba sa iba’t ibang uri ng diyos-diyosan ay hindi lamang ito tumutukoy sa pisikal na pagpapatirapa sa harap nito.

“(Datapuwa’t) mayroong mga tao na nagtuturing pa ng iba (sa pagsamaba) bukod pa sa Allah bilang katambal (sa Kanya). Minamahal nila ito na katulad din ng pagmamahal nila sa Allah. Datapuwa’t ang mga mananampalataya ay may nag-uumapaw na pagmamahal sa Allah.”

Qur’an, Kabanata 2, Talata 165

Ang Diyos ay may mahalagang bagay na sanabi sa atin na kung tayo ay hindi sumamba sa Kanya ito ay magtutulak sa atin upang sumamba sa iba at ang mga bagay na ito ang gumawa sa atin bilang kanilang alipin at sila ay naging ating panginoon.

“Napagmasdan mo ba siya na nagtuturing sa kanyang pagnanasa (walang kapararakang hangarin) bilang kanyang Diyos?”

Qur’an, Kabanata 45, Talata 23

Kahit yaong mga tumatawag sa kanilang sarili bilang walang kinikilalang Diyos ay sumasamba din sa tao o bagay ngunit hindi nila ito namamalayan at ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pag-sunod sa sariling kagustuhan (pagnanasa). Kapag ating itinanggi ang mensahe ng Diyos at huwag baguhin ang ating mga sarili maging ito man ay dahil sa kayabangan at pagmamahal sa makamundong bagay ay parang hinahayaan natin ang ating sariling pagnanasa na magdesisyon para sa ikabubuti ng ating mga sarili dahil dito tayo ay kanyang alipin.

Ang Diyos ang Pinaka Maawain na sumasaklaw sa lahat ng kaalaman kasama na ang ating mga sarili ay nagsabi sa atin na Siya ang ating Panginoon at sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya lamang, tayo ay tunay na magiging malaya sa pagkakagapos nito sa mga bagay na ating ipinalit sa Kanya.

“At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban sa tanging sambahin lamang Ako.”

Qur’an, Kabanata 51, Talata 56

Ang pagsamba sa Diyos ang pinaka layunin ng ating buhay. Ang Diyos ay nakaukit na sa likas na kalooban ng ating pagkatao at kapag Siya ay nag-utos na Siya ay sambahin ito ay habag at pagpapadama ng pagmamahal. Kapag pinuno natin ang ating mga puso ng pagmamahal at utang ng loob sa Diyos, mararamdaman natin ang kapayapaan at mararanasan natin ang kapanatagan na hindi kayang ipaliwanag ng salita at katahimikan na kaylan man hindi natitinag ng mga sakuna.

“O sangkatauhan! Alalahanin ninyo ang mga biyaya ng Allah na ipinagkaloob sa inyo! Mayroon pa bang ibang Manlilikha maliban sa Allah ang makapagbibigay sa inyo mula sa kalangitan at kalupaan ng panustos (na ulan, pagkain, atbo.)? Wala ng Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba malban sa Kanya. Bakit kayo lumalayo sa (Kanya)?”

Qur’an, Kabanata 35, Talata 3

Itigil ang katiwalian at kawalan ng katarungan

Ang pandemya na ito ay hindi pangyayaring aksidente lamang. Ang mga ginawa ng bawat isa o ng maramihan ang siyang dahilan sa  mga nangyayari sa daigdig na ating ginagalawan. Sana, ito ay dapat makapag bigay sa atin ng paalala upang tayo ay makapag muni-muni sa ating mga ginawa o hindi man ginawa na nagdulot sa pandemyang ito.  Ang pagiging likas nating umaasa sa Diyos at pagkakaugnay sa iba pang mga bagay, lugar at tao ay dapat maging   dahilan upang ating mapagtanto na dahil sa ating katiwalian at hindi makatarungan ang siyang nakaambag sa pandemya na ito.

“Ang kasamaan (Kasalanan at pagsuway sa Allah) ay kumitaw sa kalupaan at karagatan dahilan sa kagagawan ng mga kamay ng tao (sa pamamagitan ang pang-aapi at kabuktutan), upang ang Allah ay magpalasap sa kanila ng ilang bahagi ng kanilang ginawa; ng sa gayon, sila ay magsitalikod sa kasamaan (sa pamamagitan ng pagsisisi sa Allah at paninikluhod sa Kanyang Kapatawaran).”

Qur’an, Kabanata 30, Talata 41

Ang kalagayan ng mundong ating kinagagalawan ay parang nasa bingit ng pagkawasak. Ang antas ng polusyon ay nagpapasama ng ating mga tahanan. Ang kawalang-katarungan at digmaan ay dumadanak at dahil dito milyon-milyong katulad natin ang nagugutom dahil sa walang sapat na pagkain upang mabuhay o kaya naman naging takas o namamatay sanhi ng kasalukuyang labanan. Tayong lahat ay may pananagutan sa hindi natin pag gawa ng makakapigil sa kasamaang ito bagkus tayo pa minsan ang naging daan upang ito ay mangyari. Kailangan natin kunin bilang responsibildad at maunawaan na ang pandemya na ito ay palatandaan upang itigil ang kawalan ng katarungan at katiwalian sa lupa.

“At huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan, matapos na ito maitalaga (ng Allah) sa ayos.”

Qur’an, Kabanata 7, Talata 56

Dapat nating mapagtanto na tayo ang tagapangalaga ng mundo. Ito ay nangngahulugan na tayo ang may pananagutan upang mapanatiling ito ay balanse, maayos at hindi nasasayang. Ang hindi makatarungang digmaan ay dapat ng wakasan, ang pagkitil ng mga inosenteng buhay ay dapat ng itigil, ang hindi pantay na pamamalakad kaugnay sa ekonomiya ay ibasura, ang pagmamalupit na pakikitungo sa mga hayop ay tuluyan ng tapusin at ang pagsasayang at kasakiman ay dapat na ding burahin.  Tayo ay may mga maaring pagpipilian kung tayo ba ay ang susunod sa gabay ng Diyos o ipagpapatuloy ang katiwalian.

“Katotohanan! Hindi babaguhin ng Allah ang kalagayan ng isang pamayanan hanggang hindi nila binabago ang kanilang sarili tungo sa kabutihan.”

Qur’an, Kabanata 13, Talata 11

Magtiwala sa Mapagkakatiwalaan

Ang pandaigdigang pandemya na ito ay naging dahilan upang tayo ay nananatiling naka antabay sa tabi ng ating mga telepono at telebisyon, naghihintay ng mga makabagong balita mula sa mga dalubhasa tulad ng mga virologist at epidemiologist at iba pang tao na nasa katungkulan. Tayo ay nagtitiwala sa kanilang mga sinasabi at sumusunod sa kanilang mga ipinag-uutos ngunit, ang katotohanan, karamihan sa atin ay walang paraan upang suriin ang katiyakan ng kanilang mga sinasabi sanhi ng kakulangan ng kaalaman, karanasan at kahusayan tungkol dito. Dahil sa ating limitadong kakayahan bilang tao, hindi natin alam ang lahat ng mga bagay-bagay. Tayo ay umaasa na lamang sa mga ibinibahagi ng mga nagpapatotoo na siyang pangunahing bahagi ng pamumuhay. Sa kadahilanang tayo ay nagtitiwala sa iilang mga tao, tila yatang mas makabuluhan kung ang ating pagtitiwala ay ibaling natin sa tunay na mapagkakatiwalaan.

“Si Muhammad ang Sugo ng Allah.”

Qur’an, Kabanata 48, Talata 29

Si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nag-angking isang Propeta sa nakalipas na 1,400 na taon batay sa mga sumusunod na simple ngunit may malalim na mensahe ito ay ang mga katagang “Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay panghuling Sugo ng Allah” kaya’t aming mahigpit na iminumungkahi na pag-aralan ng masinsinan ang mga naitala patungkol sa kanyang buhay na siyang magbubunyag ng malaking impormasyon na nagpapakita ng dangal at katapatan ng kanyang pag-uugali. Siya ay hindi sinungaling o manlilinlang bagkus siya ay ang huling Sugo kasama ng mga maluwalhating Propeta katulad nina Noah, Abraham, Moses at Hesus (sumakanilang lahat nawa ang kapayapaan).  Ang kaisahan ng Allah lamang ang kanilang ipinangangaral. At nararamdaman ang pagkakaisa ng sangkatauhan kapag iginiit ang katotohanan.

Ang pag-aaral sa talambuhay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) at ng kanyang gabay ay siya ring magdadala tungo sa liwanag na siya ay inspirado ng Diyos at ito ay makakapagbigay ng sapat na katibayan na ang Qur’an ay huling kapahayagan.

Sa liwanag ng mga naipahayag sa itaas, ang pagtatanggi ng mensahe ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay lohikal na katumbas ng pagtatanggi sa mga dalubhasa na silang ating pinakikinggan na maigi nitong kasalukuyang pandemya.

Ang corona virus ay maaring makapag gabay sayo tungo sa Paraiso

“Siya na lumikha ng kamatayan at buhay upang masubukan Niya kung sino sa inyo ang pinakamahusay sa gawa (asal at pag-uugali), at Siya ang Sukdol sa Kapangayarihan, ang Lubos na Mapagpatawad.”

Qur’an, Kabanata 67, Talata 2

Nilikha tayo ng Diyos upang sambahin Siya at bahagi ng pagsamba sa Kanya ay ang makaranas ng pagsubok katulad na lamang nitong pandemyang ito. Ang pagtatagumpay sa mga pagsubok sa pamamagitan ng pagtugon sa mga ito sa paraang ikalulugod ng Diyos ay makakatulong upang maging madali ang ating pagpasok sa walang hanggang kaligayahan sa Paraiso. Ang mundong ito ay punong-puno ng mga pagsubok at paghihirap at ang mga ito ay mga paraan upang malinang ang kabanalan, matiyak ang pag-usbong ng ating moral at espirituwal at mapagpasyahan kung sino sa atin ang tunay at karapatdapat na makapasok sa walang hanggang kaligayahan sa Paraiso. Sa panahon nitong kahirapan, dapat nating itong harapin ng may pagtitimpi, lakas ng loob at pagpapakita ng habag at pagmamahal sa mga nahawa ng virus na ito sa pamamagitan ng pagtulong sa abot ng ating kakayahan.

“At kayo ba ay nag-aakala na kayo ay magsisipasok sa Paraiso (Halamanan ng Kaligayahan) ng walang anumang (pagsubok sa inyo) na katulad ng dumatal sa mga nangauna sa inyo? Sila ay nakaranas ng mga matinding kahirapan at karamdaman at lubha silang nawalan ng katatagan, na maging ang silang Tagapagbalita at ang mga naniniwala  na kasama niya ay nagsabi: “Kailan pa kaya daratal ang Tulong (Paglingap” ng Allah? Katotohanan (Tunay nga na walang pagsala), ang Tulong ng Allah ay malapit na!”

Qur’an, Kabanata 2, Talata 214

Ang Islam ay nagbibigay lakas ng loob. Nakikita nito ang kahirapan, pagdurusa, kasamaan, pinsala, sakit at mga problema bilang pagsubok at itinuring ang mga ito bilang palatandaan ng pag-ibig ng Diyos. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nag wika: “Kapag minahal ng Diyos ang Kanyang alipin, Kanya itong sinusubukan”. Sinusubukan ng Diyos ang Kanyang mga mahal dahil ang pag subok ay daan tungo sa Paraiso at ang pagpasok ay bunga ng banal na pagmamahal at habag ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit itong partikular na pagsubok gaya ng COVID-19 ay maaring makatulong sa atin upang makamtan ang landas ng Paraiso. Ngunit, kapag hindi natin mapagtagumpayan ang mga pagsubok na ito sa kabila ng ating pagsisikap, ang habag at ang pagiging Makatarungan ng Diyos ang mag titiyak na tayo ay gagantimpalaan sa ibang paraan ito man ay sa buhay na ito o sa kabilang buhay na maghihintay sa atin.

Ang viral na pamukaw

“At katotohanang hahayaan Namin na lasapin nila ang magaan na pagpaparusa (alaong baga, ang parausahan sa mundong ito tulad ng mga kalamidad, kapinsalaan at kasiphayuan) bago Namin ibigay ang kasakit-sakit na kaparusahan (sa Kabilang Buhay), baka sila ay (magtika) at mabalik-loob (at tumanggap sa Islam).

Qur’an, Kabanata 32, Talatat 21

At sino pa kaya ang higit na nagkamali kaysa sakanya, na pinaalalahanan ang mga talata ng kanyang Panginoon, (Nguni’t) siya ay tumanggi rito?

Qur’an, Kabanata 32, Talatat 22

Itong pandaigdigang pandemya ay dapat magdulot ng malawakang pamukaw at paggising sa ating lahat. Ito ay tamang panahon upang magbalik loob sa Diyos. Ang pagsubok na ito na ibinigay ng Diyos ay maaring palatandaan ng Kanyang banal na pagmamahal o bunga ng ating kayabangan. Kung tayo ay magpakumbaba, mapagtimpi, umaasa sa gantimpala ng Diyos, taimtim na sumasamba sa Kanya ng bukal sa kalooban, kumikilos ng may habag sa kapwa at gumagawa ng tama, tayo ay makakapasa sa pagsubok na ito dahilan upang tayo ay mapasama sa mga papasok sa walang hanggang Parasiso ang lugar na punong-puno ng kaligayahan. Kung ang isang tao na higit na nagdusa sa mundo ay papapasukin ng sandali sa Paraiso, siya ay mapapasigaw sa kaligayahang kanyang natamo katulad ng binanggit ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan “Ako ay hindi kaylan man naghirap!”

Ang pagpapasya ay nasa ating mga kamay. Maari nating tanggapin na walang ibang Diyos na dapat sambahin at si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay Kanyang huling Sugo o kaya  naman ating itong itatanggi at bilang gantimpala nito ay ang pagpasok sa impyerno dahil mas pinili natin ang itanggi ang gabay at habag ng Diyos. Ngayon ang tamang panahon upang sumampalataya sa Kanya:

“At sinuman ang mangamba sa Allah, Siya ang magbibigay sa kanya ng lunas sa lahat ng mga kahirapan.”

Qur’an, Kabanata 65, Talata 2

“At ipagkakaloob (Niya) sa kanya mula (sa pangangailangan) na hindi niya napag-aakala.”

Qur’an, Kabanata 65, Talata 3

Naway gabayan at iligtas tayong lahat ng Diyos at ibilang Niya tayo sa mga magkakamit ng Kanyang habag.

Mga lumagda:

Mufti Muhmmad Taqi Usmani, vice president of Darul Uloom University Karachi, Pakistan. The most Influential Muslim in 2020 according to www.themuslim500.com.

Sheikh Dr Sharif Ibrahim Saleh Alhussaini CON, Grand Mufti of Nigeria,  Chairman, Fatawa Committee of the Supreme Council for Islamic  Affairs of Nigeria, Chairman, Assembly of Muslims in Nigeria AMIN.

Muhmmad Seydya Suliman al-Nawawi al-Shanqiti, vice president of Association of Muslim scholars.

Hussain Yee, president of Serving Mankind Association, Malaysia.

Dr. Ali Muhammad Muhammad al-Sallabi, Muslim historian and religious scholar, Libya.

Dr Zakir Naik, Founder, Peace TV Network, Malaysia.

Dr Mohd Asri bin Zainul Abidin, Mufti of Perlis, Malaysia.

Abdul Raheem Green, international preacher, UK.

Sheikh Dr AbdulHayy Yusuf, Vice president of the board of the scholars of Sudan.

Dr Muhmmad Yusri Ibrahim, Academic and researcher, Egypt.

Daei al-Islam al-Shahhal, scholar, Lebanon.

Dr Haifaa Younis, Jannah institute, St. Louis, MO, USA.

Dr. Yasir Qadhi. Dean, The Islamic Seminary of America Dallas, TX, USA.

Sheikh Shadi Alsuleiman, Chairman of Australian National Imams Council (ANIC), Australia.

Dr Muhmmad Salah, Huda TV, Egypt.

Hamza Tzortzis, author and international preacher, UK.

Dr Tawfique Chowdhury, Australia.

Sheikh Omar Suleiman, Founder & President of Yaqeen Institute for Islamic Research, USA.

Imam Said Rageah, Chairman of Journey of Faith international conference, Chairman and founder of Sakinah Foundation, Toronto Canada.

Fadel Soliman, Director of Bridges Foundation, Egypt.

Dr. Anas Altikriti, CEO and founder, The Cordoba Foundation, United Kingdom.

Sheikh Zahir Mahmood, founder and teacher at As-Suffa Institute. Birmingham, England.

Sheikh Dr Haitham al-Haddad, founder of AlMarkaz for Revival and Reform Studies, UK. 

Sheikh Mohammed Abdullah Houiyat, scholar, Germany

Dr Kamil Salah, lecturer in Islamic jurisprudence University of Jarash, Jordan.

Sheikh Ihsan Mohammed Alotibie, scholar, Jordan.

Nour al-Din Yildiz a scholar and a preacher, Turkey.

Shaykh Asrar Rashid. Founder of Hadithiyya Institute, Imam at Jamatia Islamic Centre Birmingham. Author, theologian and orator, UK.

Muhammad Idrees Zubair, former professor and member BOG of IIU, Islamabad, Pakistan.

Dr. Bachir Aissam Almorrakochi, scholar, author and the director of Irshad Academy for studies and development, Morocco.

Shaykha Dr. Tamara Gray, Executive Director, scholar and chief spirituality officer of Rabata.

Imam Siraj Wahhaj, Masjid Al Taqwa New York.

Imam Dr. Khalil Abdur-Rashid, Muslim Chaplain at Harvard University, Instructor of Muslim Studies at Harvard Divinity School & Adjunct Professor of Public Policy at Harvard Kennedy School.

 

Follow us

Messenger icon
Send message via your Messenger App